Casimero naospital, bigong maidepensa ang hawak na titulo

Casimero naospital, bigong maidepensa ang hawak na titulo

December 11, 2021 @ 3:11 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Hawak pa rin ni Pinoy bantamweight champion Johnriel Casimero ang korona ng World Boxing Organization (WBO) bagamat kailangan nitong patunayan at ipaliwanag bago matapos ang 10 araw kung bakit ito naospital bunga umano ng viral gastritis kaya hindi naidepensa ang korona kontra Paul Butler ng U.K. sa Dubai, UAE.

Nitong Biyernes ay hindi nakarating sa kanyang final official weigh in si Casimero dahil ayon kay Harrison Whitman, ang Chief Legal Officer ng Probellum na noong Huwebes pa nagkasakit si Casimero at dinala sa ospital.

“Upon admission a team member of your camp named Mr. Stephen Lunas Jr., confirmed to Mr. Whitman via text messages through the “WhatsApp” chat application, that you were unable to participate in the schedule WBO Bantamweight Championship bout against Paul Butler on Saturday, December 11, 2021, at the Coca Cola Arena in Dubai, UAE,” ayon kay Luis Batista-Salas, chairman ng WBO Championship Committee para kay Casimero na lumabas sa Boxingscene.com.

“In light of your alleged medical condition and unavailability to participate in the WBO Championship bout against Butler, Probellum informed the WBO that current number 10 rated WBO Bantamweight Contender, Joseph Agbeko is ready, willing and able to participate against Butler. Therefore, Mr. Whitman seeks authorization to grant sanction approval for the WBO Bantamweight Championship Title between Butler & Agbeko.”

Tatanghaling opisyal na kampeon sa WBO 118-pound ang sinumang magwawagi kagabi kina Butler at Agbeko sakaling may pagdududa sa medical condition ni Casimero. JC