Casimero pinag-iingat sa pagpirma ng kontrata

Casimero pinag-iingat sa pagpirma ng kontrata

February 10, 2022 @ 11:50 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nagbigay ng babala ang beteranong boxing analyst na si Ed Tolentino kay WBO world bantamweight world champion John Riel Casimero na kailangan nitong mag-ingat sa pagpirma ng mga bagong kontrata.

Kamakailan ay lumabas ang balitang nais ni Casimero na lumipat kay boxing manager Egis Klimas, na responsable sa paghawak ng mga top-tier fighters gaya nina Vasyl Lomachenko at Oleksandr Usyk.

Si Casimero ay pumirma sa MP Promotions ngunit nakipag-away sa presidente ng kumpanya na si Sean Gibbons.

Matatandaan din na ang boksingero ay nasa kalagitnaan ng paglabag sa kontrata noong 2020 na kinasangkutan ng kanyang manager na si retired world champion Morris East.

“Ang maipapayo ko sa kanya ay maging maingat sa pagpipirma ng mga kontrata dahil naranasan na niya ang problema noon sa Morris East. Payo ito sa lahat na huwag basta bastang pumirma ng kontrata dahil may kaukulang responsibilidad,” ani ng abogado at boxing expert na si Tolentino.

“If he is not technically not bounded by any other contract which offer similar nature or terms, go ahead. But if he knows for a fact that there is another contract and he is signing another contract that is basically the same, that is a legal isyu.”

Ayon kay Tolentino, kayang gawin ng 32-anyos na taga-Ormoc City nang walang istorbo na hahabulin siya sakaling malagay ang boksingero sa gitna ng kaso.

Pagkatapos ng lahat, ang isang hindi pagkakaunawaan sa kontrata sa pagitan ng mga humahawak ay maaaring makapigil kay Casimero na makapasok sa loob ng ring.

“Ang pwedeng mangyari kung lalaban siya, pwedeng humingi ng TRO (temporary restraining order) yung kabilang partido para hindi mangyari,” hirit pa ni Tolentino.

“Karapatan mong kunin ang pinakamahuhusay na handler, pero matagal nang sinasabi ni Sean Gibbons na nasa kontrata ka. Sana lang ay malinaw na ang lahat bago siya pumirma.”JC