Casimero pinatulog si Micah

Casimero pinatulog si Micah

September 27, 2020 @ 9:40 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

LOS ANGELES – Matagumpay na naidepensa ni John Riel Casimero ang kanyang WBO bantamweight crown matapos patulugin ang challenger na si Duke Micah ng Ghana sa third round ng kanilang title fight sa Connecticut, California.

Dinomina ni Casimero si Micah sa kabuuan ng laban kung saan pinarusahan nito at binugbog nang husto ang Ghanaian fighter sa pagputok pa lang ng bell sa labang ginanap sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville.

Dahil sa panalo, nag-imprub ang record ni Casimero sa 30-4, 21 knockouts.

Sa 2nd round pa lang ay pinabagsak na ng Pinoy ang dating undefeated na si Micah gamit ang kanyang pambatong left hook subalit nagawa pang makatayo ng Ghanaian fighter.

Nagawa pang lumaban ni Micah sa third round pero dahil amoy na ni Casimero ang panalo sa laban kaya agad na nitong inatake at dinaluhong ang kalaban gamit ang kaliwang kamao at sunod-sunod na uppercut na nagpabagsak muli kay Micah dahilan para pigilin ng referee ang laban.

Sa post-fight stats, kitang-kita na dinomina ni Casimero ang laban sa pinatama nitong 24-body solid shot kontra sa apat lang ni Micah. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...