Casimero sabit sa kasong pangmomolestiya

Casimero sabit sa kasong pangmomolestiya

February 22, 2022 @ 9:38 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Kinondena ng kampo ni three-division boxing world champion John Riel Casimero ang wala umanong basehang kasong isinampa laban sa boksingero na Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ito’y matapos magreklamo ang 17-anyos na dalaga  laban sa boksingero sa insidenteng naganap noong Hunyo 2021.

Ayon sa ulat, nagreklamo ang biktima sa Taguig City Police Station noong Pebrero 11.

Sa kwento ng biktima, inimbitahan  umano siya ng boksingero at doon na naganap ang krimen ng pang-aabuso.

Ikinagalit ng kanyang trainer at kapatid na boksingerong si Jayson at sinabing  ang kaso ay imbento lamang at may hinala na sila kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat nito.

Agad umano silang magpapalabas ng kanilang statement sa mga susunod na araw.

Nakatakdang lumaban sa Abril 22 si Casimero (32-4) kontra kay Paul Butler sa United Kingdom.JC