Casimero vs Akaho kasado na

Casimero vs Akaho kasado na

October 18, 2022 @ 8:11 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang bumalik sa ring si three-division champion John Riel Casimero kontra kay Japanese veteran Ryo Akaho.

Ayon sa A-Sign Boxing, gaganapin ang laban sa December 3 sa Paradise City sa Incheon, South Korea.

Hawak ni Casimero ang pro-record na 31-4 na may 21 knockouts, huli itong lumaban noong August 2021 at tinalo si Guillermo Rigondeaux via split decision.

Tinanggalan ito ng kanyang WBO world bantamweight title nitong taon matapos mabigong idepensa ang kanyang titulo kontra kay mandatory contender Paul Butler.

Samantala, si Akaho ay dating world title challenger na may record na 39-2-2  na may 26 knockouts.

Sa  kanyang huling laban, tinalo ni Akaho si Pinoy pug Edrin Dapudong via knockout sa round 1.JC