Casino Filipino Angeles pinasok ng COVID-19, kinandado

Casino Filipino Angeles pinasok ng COVID-19, kinandado

July 18, 2020 @ 12:55 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pansamantalang isasara ang Casino Filipino Angeles makaraang magpositibo ang tatlong empleyado nito sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ito ang inanunsyo ni Mayor Carmelo Lazatin Jr. at ng Philippine Amusement Gaming Corp. (Pagcor) para sa agarang contact tracing at disinfection protocol.

Saad naman ni Dr. Verona Guevarra, Angeles City health officer in charge, ang mga pasyente ay naka-confine na sa iba’t ibang ospital.

Dagdag pa ni Lazatin, ang lahat ng nagkaroon ng close contact sa mga pasyente ay dinala na sa City College of Angeles para sa mandatory quarantine at reverse transcription – polymerase chain reaction (RT-PCR) testing.

“Hindi po ito panahon ng pagpunta sa mga handaan o pagta-travel kung saan-saan. May Covid-19 pa rin po. Kaya pakiusap po, sumunod tayo sa regulasyon ng pamahalaan para sa kaligtasan ng lahat,” paalala ni Lazatin.

“Wearing of face mask is a must, and always observe safe physical distancing when you are outside of your homes for essential needs and work,” dagdag pa nito. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...