Cassy, umayuda sa mga kinder pupils!

Cassy, umayuda sa mga kinder pupils!

December 16, 2022 @ 6:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines- Isang makaantig-damdamin ang video na napanood ni Cassy Legaspi sa TikTok.

Tampok ang isang kindergarten pupil mula sa paaralan sa Palawan.

How wouldn’t it break Cassy’s heart seeing the pupil washing an empty bottle of soy sauce?

No, hindi ‘yon para ikalakal ng bagets para gawing pera.

Hinuhugasan at nililinis ng mag-aaral ang basyo ng toyo para gawing tumbler o lalagyan ng maiinom na tubig para baon niya sa eskuwela.

Hindi na nagpatumpik- tumpik pa ang kambal ni Mavy, nag-message siya sa guro sa video.

“Can I help po? Paano po kayo makokontak?” tanong ni Cassy sa teacher.

In no time did Cassy have snacks sent to the entire classes of Camellia and Poinsettia, na ipinagpasalamat ng teacher.

Maging ang mga SPED learners sa Palawan school ay nakinabang din sa mga ipinadalang ayuda ni Cassy.

It goes to show lang na kinakikitaan ng magandang puso ang isa sa kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

For sure, the Sarap Di Ba? host and her husband must be very proud of Cassy.

Tiyak ding pag nagawi si Cassy sa Palawan ay gagalugarin niya kung saan ang paaralang ‘yon with loads of ayuda for the kids! Ronnie Carrasco III