Cast ng Ang Probinsyano, positibo sa COVID-19, assistant director, na-cardiac arrest!

Cast ng Ang Probinsyano, positibo sa COVID-19, assistant director, na-cardiac arrest!

September 6, 2021 @ 11:44 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Nagpositibo ang ilang supporting cast ng TV series ni Coco Martin sa Ilocos kaya sa ayaw at gusto nila ay kailangan mag-quarantine ang buong cast.

Una raw nag-positive sa COVID-19 ay ang delivery driver ng supplies ng longest TV series matapos na lagnatin. Kaya kailangan daw na lahat ng artista at staff na kasama sa serye ay ipa-swab test.

Lahat  naman daw ng major cast ay negative pero may nag-positive sa supporting actor kaya kailangan mag-quarantine silang lahat.

After one week ay kailangan nilang magpa-swab uli para makapagpatuloy ng taping.

Literal na nakakulong ang lahat ng cast sa kanilang room na tinutuluyang hotel. Walang puwedeng lumabas dahil nakabantay ang local government unit  at suspended din ang permit nila sa taping. Kung wala nang magpa-positive sa buong cast ay magre-resume sila ng taping sa November 11.

Masuwerte pa rin ang cast ng Probinsyano dahil bongga ang hotel na tinutuluyan nila na pag-aari ni Governor Chavit Singson kaya mistulang nagbabakasyon lang sila.

Bukod sa may nagka-COVID sa cast ng serye ay may isa pang nakakalungkot na pangyayari sa taping dahil na-cardiac arrest ang kanilang assistant director na cast director din at  tumatayong talent coordinator ng Probinsyano.

Nakagugulat dahil hindi akalain ng buong cast na dead on arrival  si Direk Lyan Leonardo Suiza nang isugod sa Gabriel Silang Hospital sa Vigan llocos matapos mawalan ng malay sa loob ng kanyang room ng bandang 10:20AM. Pero negatibo naman daw ito sa COVID-19.

Ikinagulat ng buong cast ang pangyayari dahil isang linggo na silang hindi nagkikita-kita dahil nga almost a week na silang naka-quarantine.

Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit halos lahat ng taping ngayon ng kalabang istaston ng Dos na GMA 7 ay itinigil muna para maiwasang magka-COVID. Gerry Ocampo