Cast ng Maid in Malacanang, nag-donate ng kalahating milyon sa Abra!

Cast ng Maid in Malacanang, nag-donate ng kalahating milyon sa Abra!

August 2, 2022 @ 10:12 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Gaya ng alam ng lahat ay sa probinsiya ng Abra tumama ang epicenter ng M7 na lindol na yumanig hanggang sa NCR.

Hanggang ngayon ay nasa State of Calamity pa rin ang Abra na nangangailangan ng tulong upang muling makabangon.

Dahil dito ay naisipan ng cast and crew ng pelikulang Maid in Malacanang na i-donate ang budget sa catering worth P500,000 to the people of Ilocandia and Abra who were greatly affected by the recent major earthquake.

Kung matatandaan ay nagkaroon ng isang red carpet premiere night ang kontrobersiyal na pelikula nu’ng July 29, 2022 sa SM The Block kung saan ay ponagpaliban na ang catering para sa mga cast at sa mga bisita.

“We hope viewers will understand the simple opening night of our film. Enough for me and my family to show our side of the story and history. It is more important now that we help our countrymen affected by the earthquake,” part of Senator Imee Marcos’ statement tungkol sa donation.

Ilan sa mga ponalakpakan sa mga eksena ay ang magandang treatment ng Marcos family sa mga kasambahay. Ang isa sa mga kasambahay ay isinama pa nila sa kanilang exile sa Hawaii na hanggang ngayon ay nagsisilbi pa rin sa kanilang pamilya.

Ang cast ng Maid in Malacanang ay pinangungunahan nina Cesar Montano, Ruffa Guttierez, Cristine Reyes, Ella Crus at Diego Loyzaga. Gumanap naman na maid sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo. Showing na sa August 3 ang nasabing pelikula under Viva Films directed by Darryl Yap. JP Ignacio