Catcalling, may kaakibat ng parusa

Catcalling, may kaakibat ng parusa

July 3, 2018 @ 8:55 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines- May kaakibat ng parusa ang sinumang magtatangkang mangbastos sa mga kababaihan sa pamamagitan ng “catcalling”  o pagtawag ng walang paggalang.

 

Ito ay matapos ipasa ng Manila City Council ang Ordinance No. 7857  o ang pagbabawal sa catcalling at iba pang sexual harassment sa mga babae.

 

Paparusahang isang araw hanggang 15-araw na pagkakakulong o  pagmumultahin ng halagang P200 hanggang isang libong piso.

 

Maari ding parehong ipapataw sa sinumang lalabag sa nasabing ordinansa ang parusa at multa.

 

Kasama sa ordinansa ang pagbabawal sa pagsipol, pangungulit at paghingi ng contact details, malisyosong pagbibiro at pagmumura.

 

Habang ang mga mahuhuling magpapakita ng body gesture gaya nang maglabas ng ari ay maari namang makulong ng mula isang buwan hanggang tatlong buwan at maaring pagmultahin mula P1,000 hanggang P3,000.

 

Tataas naman ang multa ang sinumang umulit sa paglabag ng ordinansa kong saan may katumbas na parusang tatlo  hanggang anim na buwang pagkakakulong o multang P3,000 hanggang P5,000. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)