Catriona dismayado sa pinutol na speech

Catriona dismayado sa pinutol na speech

December 6, 2022 @ 10:16 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Ibinahagi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang pagkadismaya sa Global Peace Festival nitong Sabado, December 3, matapos putulin ang moment niya habang nagsasalita sa harap ng mga tao.

Saad ng beauty queen, naghanda talaga siya ng 20-minute speech para sa lahat kaya nagulat na lang siya nang putulin ang pagsasalita niya wala pang sampung minuto ang nakakalipas.

“I’m so disappointed. To everyone who has been waiting in the heat at the #GPFestival2022 I’m sorry. I worked on a 20min speech for you all, and have been so excited to share it with you all but I was cut off not even 10mins in. Just know I love and appreciate you guys and I’m so sad I wasn’t able to have my proper time with you,” said Gray in a tweet.

Catriona was invited to talk at the Global Peace Festival 2022 na ginanap sa Clark Global City sa Pampanga.

Gayunpaman, nagpasalamat pa rin si Catriona sa fans and supporters niya na makikita sa comments’ section, na humihingi ng full copy sa YouTube ng dapat sana ay speech niya sa nasabing event. Paula Jonabelle Ignacio