Catriona, wapakels sa maiinit na eksena ni Sam with Ivana!

Catriona, wapakels sa maiinit na eksena ni Sam with Ivana!

June 25, 2022 @ 10:37 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Catriona Gray is one secure person that she doesn’t mind if her boyfriend has steamy scenes with Ivana Alawi.

Magkasama sina Sam at Ivana sa isang serye.

Ayon sa Miss Universe 2018, ni hindi nga raw kailangan ni Sam na hingin ang kanyang permiso.

Nauunawaan naman daw ni Catriona ang uri ng trabaho meron ang nobyo.

Wala raw siya sa posisyon para limitahan si Sam sa kung ano ang gusto nito sa kanyang career.

In the same manner, hindi rin daw kailangan ni Catriona na kunin ang permiso ni Sam on career matters.

“That’s my prerogative. I am supportive of his career as he should be of me,” aniya.

Samantala, hindi naman itinanggi ni Ivana na crush niya noon pa si Sam.

Napapanood niya kasi ito noon pa sa mga teleserye.

Naglaho nga lang ang kanyang crush sa aktor nang makatrabaho na niya.

Besides, Ivana is one person who will never cross the line.

Alam na niyang taken si Sam so why would she get in the way? Ronnie Carrasco III