Cavalier nakatatlong dapa na kontra Warriors, 110-102

Cavalier nakatatlong dapa na kontra Warriors, 110-102

June 7, 2018 @ 5:10 PM 4 years ago


NBA – Déjà vu kung maituturing ang makapigil-hiningang 3-point shoot ni Kevin Durant na nagpanalo sa Golden State Warriors kontra Cleveland Cavalier sa Game 3 ng NBA finals sa iskor na 110-102.

Bagama’t pinangunahan ng Cavalier ang first quarter sa 16-4 nakabawi agad naman ang Warrior para pangunahan ang ikalawang quarter sa 29-28.

At sa dikit na laban sa huling quarter na may nalalabing 49 segundo nagawa pang matuldukan ni Durant ang laro para mapanatili ang 3-0 na panalo ng kanyang koponan sa serye gaya ng nangyari sa Game 3 ng nakaraang taon.

Ayon kay Cleveland star LeBron James na kumana ng 33 points, 10 rebounds at 11 assists, assassin talagang maituturing si Durant dahil sa kanyang malulupit na galawan.

Pinangunahan ni Durant ang ikatlong panalo ng Warriors sa 43 points, 13 rebound at pitong assist na sinegunduhan naman nina Stephen Curry at Klay Thompson sa 7-27 na pinagsamang shot. (Remate News Team)