Cavite gov kay Mayor Isko: ‘Wag kaming mga Caviteño, ‘di ka naming uurungan



Cavite gov kay Mayor Isko: ‘Wag kaming mga Caviteño, ‘di ka naming uurungan

April 23, 2021 @ 6:42 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinagtanggol ni Cavite Governor Jonvic Remulla laban kay Manila Mayor Isko Domagoso si Mayor Jun Dualan ng Naic, Cavite sa nangyaring kastiguhan sa pamimigay ng ayuda.

Sinabing ito ay dahil sa hindi o huling pagbibigay ng SAP sa ilang residenteng Naic na mga bagong salta galing Maynila.

Sila ay relocatees na dating informal settlers sa Maynila na tinanggap ng Naic para makatira sa mga bahay na galing sa programa ng National Housing Authority.

“Yorme, alam ng lahat ang ambisyon mong maging Pangulo. Wala namang isyu don. Libre mangarap ang kahit sino. Pero sana ay huwag mong tapakan ang iba para lamang umangat ka. Hindi ka pa nga Pangulo ay ang yabang mo na,” lahad ni Jonvic.

“Hirap na hirap na nga kami dito, kami pa ang ginawa mong rason dahil sa pagka-atat mong sumikat. Sana, pag-aralan mo muna ang suliranin bago ka magpuputak ng walang kwenta.”

“Kung pagpapasikat lang ang gusto mo? Hindi mo kailangan mang-apak ng Caviteño.Wag kaming mga Caviteño ang pag-initan mo. Hindi ka namin uurungan,” dagdag pa nito.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Mayor Isko kaugnay sa naturang pahayag. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •