Cavite nagdeklara ng #WalangPasok sa Biyernes, Sept. 23 sa bagyong Karding

Cavite nagdeklara ng #WalangPasok sa Biyernes, Sept. 23 sa bagyong Karding

September 22, 2022 @ 1:27 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde na sa Cavite ang mga klase sa mga eskwelahan sa lahat ng antas para bukas, Biyernes, Setyembre 23, 2022, dahil sa inaasahang masamang panahon, inihayag ni Gobernador Jonvic Remulla noong Huwebes.

“#WalangPasok bukas September 23, 2022 (Friday) para sa lahat ng baitang,” saad ni Remulla sa kanyang Facebook.

Ang ibang mga local government unit ay wala pang katulad na anunsyo sa oras ng pag-post.

Naghahanda ang Luzon sa posibleng malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Depression Karding.

Hanggang alas-10 ng umaga noong Huwebes, sinabi ng state weather bureau PAGASA na si Karding ay nasa layong 1,350 km silangan ng Central Luzon na may lakas ng hanging 45 km bawat oras at pagbugsong 55 kph. Kumikilos ito patungong silangan sa bilis na 10 kph.

Sinabi ng PAGASA na maaaring magdulot ng malakas na ulan si Karding sa Northern at Central Luzon simula Sabado.

Idinagdag nito na may “mataas na posibilidad” na maaaring itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Northern Luzon at ilang bahagi ng Central Luzon.

Inaasahang magla-landfall si Karding sa silangang baybayin ng Isabela o Cagayan sa Linggo. RNT