CAVITEX C5 Link Flyover Extension bukas na!

CAVITEX C5 Link Flyover Extension bukas na!

August 15, 2022 @ 10:57 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bukas na sa mga motorista ang CAVITEX C5 Link Flyover Extension nitong Linggo, Agosto 14.

Ang nasabing daan ay nagdudugtong sa Taguig City at Parañaque City na inaasahang magpapaikli ng oras ng byahe.

Ang mga sasakyang manggagaling sa Parañaque ay maaaring pumasok sa CAVITEX C5 Link Flyover Extension sa Merville sa harap ng Shell C5 Southlink sa Barangay Moonwalk, Parañaque.

Binuksan sa trapiko ang CAVITEX C5 Link Flyover Extension alas-6 ng umaga noong Linggo.

Noong Hulyo, binuksan sa mga motorista ang bahagi ng nasabing flyover extension na nagdudugtong sa Merville Village sa E. Rodriguez Avenue na parehong nasa Parañaque City. RNT