CAVITEX toll rates tataas sa Mayo 12

CAVITEX toll rates tataas sa Mayo 12

May 10, 2022 @ 5:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC), concessionaire para sa Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX) at joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA), nitong Martes na magtataas sa toll rates simula Huwebes, Mayo 12, 2022.

Sinabi ng CIC na aprubado na ng Toll Regulatory Board ang 2011 at 2014 contractual tariff adjustments toll petitions maging add-on toll petition para sa Phases 1 at 2 enhancement works sa CAVITEX R-1 Expressway na nakumpleto noong 2020. 

“The approved petitions translate to P4.62 VAT-exclusive rate per kilometer for Class 1 vehicles; P9.24 for Class 2; and P13.86 for Class 3 vehicles traversing the 6.48-kilometers R-1 Expressway (from CAVITEX Longos, Bacoor entry to MIA exit, and vice versa) beginning 12:00 a.m. of May 12,” pahayag ng kompanya.

Sa ilalim ng bagong toll matrix, magbabayad ang mga motorista ng P33 para sa Class 1 vehicles mula sa kasalukuyang P25; P67 para sa Class 2 mula P50; at P100 para sa Class 3 mula P75.

“To help public utility vehicle (PUV) operators and drivers cope with the change, CIC and JV partner PRA will be providing them toll rate reprieve through a rebate program that will allow them to continue enjoying the old rates for the next three months,” sabi pa ng kompanya. RNT/SA