Cayetano, lagot sa BTS Army!

Cayetano, lagot sa BTS Army!

January 13, 2021 @ 7:33 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Unquestionably ay trending ngayon sa soc med ang dating House Speaker Alan Peter Cayetano dahil ginalit nito ang Pinoy fans ng South Korean boy band na BTS.

 

#CayetanoStopUsingBTS ang pinaguusapan ngayon sa Twitter world lalo at inakusahan si Cayetano ng Filipino Army na nakiki-ride on sa kasikatan ng grupo.

 

Ayon kasi kay Cong. Allan, papangalanan niya ang bago niyang House bloc as BTS sa Kongreso.

 

“They used BTS for this clout. The Philippine government doesn’t know how powerful ARMYs are…

 

“Mali ang kinalaban ni Cayetano, grabe ang galit ng ARMY’s ngayon haha #CayetanoStopUsingBTS,” sabi ng tweet ng isang fan.

 

“You’re definitely messing up with the wrong artist, company and fandom. Nakakahiya to. #CayetanoStopUsingBTS,” sabi naman ng isa pa.

 

Ayon sa report, makakasama ni Cayetano sa House bloc na BTS sa Kongreso sina Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Ranie Abu, Anakalusugan’s Mike Defensor, Bulacan Rep. Kuya Sy-Alvarado, and Capiz Rep. Fred Castro.

 

Ang dahilan kung bakit sila tinawag na “BTS sa Kongreso” ay ia-announce bukas, January 14, Thursday.

 

May mga netizens na nagsa-suggest na padalhan ng email ang BTS agency na Big Hit Entertainment para umaksyon laban sa mga congressmen. JP Ignacio


  •  
  •  
  •  

Loading...