Cayetano maghahain ng panukala para sa P10,000 ayuda

Cayetano maghahain ng panukala para sa P10,000 ayuda

July 1, 2022 @ 4:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na maghahain siya ng panukala na target ang P10,000 direct cash aid para sa lahat ng mga pamilyang Pilipino.

Sa oath-taking ng locally-elected officials sa Taguig, inilahad ni Cayetano na kinakailangan ng ayuda ng Malakanyang at ng Kamara.

“Sa mga nangba-bash sa 10k ayuda, kung kaya ko lang silang bigyan ng tag-10,000, binigay ko na sa kanila. Pero sa katotohanan ito’y isang legislative proposal,” aniya.

Nag-viral sa social media kamakailan ang video ng isang lalaking humihingi kay Cayetano ng P10,000 habang ang huli ay namimili sa isang mall.

Matatandaang inihayag ni Cayetano noong Pebrero 2021 sa media na naghain siya ng House bill na target ang distribusyon ng P10,000 kada pamilya o P1,500 kada miyembro, alin man ang mas malaki. 

Subalit hindi naipasa ang panukala sa Kamara bilang bahagi ng Bayanihan 3 COVID-19 aid package. RNT/SA