Cayetano pinag-iisipan na kung tatakbong presidente sa 2022 polls

Cayetano pinag-iisipan na kung tatakbong presidente sa 2022 polls

June 4, 2021 @ 6:36 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ni Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano na pinag-iisipan niya ang pagtakbo sa posisyon ng pangulo sa darating na 2022 national elections.

“I’m seriously considering running for president or for other positions but I’m really praying and discerning about it,” lahad ni Cayetano.

Sa ngayon aniya, gusto niyang maging kaisa ng grupong lilikha ng five-year plan para sa bansa gayundin ang patuloy na pagsusulong ng P10,000 cash assistance sa bawat pamilya sa ilalim ng Bayanihan 3 law.

“I really like the opportunity [to pass this] P10,000 [cash aid] and to be part of forming a five-year plan. Anyone and everyone who is qualified and could be a good president should now contribute in putting together a five-year plan so that whoever wins, at least the country already has a plan,” lahad ni Cayetano.

Samantala, sinabi ni Cayetano na hindi imposibleng magtambal sila ni Senador Manny Pacquiao kung sakali sa 2022 elections.

“Anyone who asked me for my support or if I will ask them for the support, napakaimportante na ipakita nating doable ‘yung plano at may plano.” RNT/FGDC