Cayetano, Romualdez ‘top spenders’ sa mga kongresista noong 2020 – COA

Cayetano, Romualdez ‘top spenders’ sa mga kongresista noong 2020 – COA

December 16, 2021 @ 10:11 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Pinakamaraming nagastos sina Former House Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez mula sa 300 miyembro ng House of Representatives noong 2020, ayon sa Commission on Audit.

Para sa nasabing taon, umabot ang expenditures ng ilang congressional offices sa P7,942,637,984.19 na binubuo ng disbursements ng sweldo ng  congressmen at kanilang office staff; supplies, local at foreign travel atpublic affairs funds.

Inilabas din ng COA ang computed Senate expenditures na pumalo sa P2,255,982,995.84.

Sa datos, gumasta si Cayetano ng nasa P34,073,427.91 habang si Leyte Rep. Romualdez ay gumastos ng P31,789,761.90 expenditure.

Habang ang opisna ni Duterte Youth Partylist Rep. Ducielle Marie Cardema ay gumasta ng P3,514578.18 na siyang pinakamababa sa mga kongresista. RNT/FGDC