Cayetano sa Bicam: 2023 badyet, ihanay sa economic realities
November 26, 2022 @ 9:00 AM
2 months ago
Views: 186
Shyr Abarentos2022-11-26T09:40:43+08:00
MANILA, Philippines- Nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano sa Bicameral conference committee na ihanay ang P5.268 trilyong national budget para sa 2023 sa prayoridad ng administrasyon at gawin itong tumutugon sa pagkilos ng bansa na makabangon mula sa reyalidad sa ekonomiya ng pandemya.
Ipinanawagan ito ni Cayetano matapos nitong purihin ang kasamahan sa Senado sa paghihirap na ginawa upang mahimay ang 2023 national budget.
“Dumaan sa matinding pagbubusisi ang GAB (General Appropriations Bill) na ito sa Senado. Our Chairperson Sonny Angara and the Senate leadership did a good job,” aniya.
Pero, sinabi ni Cayetano na dulot ng kasalukuyang reyalidad sa ekonomiya kabilang ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at limitadong pondo, kailangan may mindset ang miyembro ng Bicam na “tunay na ihanay ang 2023 badyet sa prayoridad ng adminnistrasyon na inilatag sa unang SONA: pagbabangon ng ekonomiya at food security.”
Nagsimula ang pulong ng Bicam nitong Biyernes, Nobyembre 25 upang ayusin ang pagkakaiba sa pagitan ng Senado at Mababang Kapulungan ng badyet.
Isa si Cayetano sa itinalagang miyembro ng Senate Bicameral panelkabialng sina Senador Sonny Angara (chairman ng Senate committee on finance), Pia Cayetano, Loren Legarda, Imee Marcos, Cynthia Villar, Bato Dela Rosa, Win Gatchalian, Bong Go, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Grace Poe, Francis Tolentino, Mark Villar, JV Ejercito, Chiz Escudero, at Jinggoy Estrada.
Hindi kasali dito sina Senador Bong Revilla, Lito Lapid, Raffy Tulfo, Robin Padilla at sina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III, Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senate President Juan Miguel Zubiri.
Isa si Tulfo sa nagsusulong na bawasan ang badyet ng ilang ahensiya upang ilaan sa mas makabuluhang programa tulad ng pagkukumpuni at modernisasyon ng National Children Hospital na sobrang luma ang pasilidad at kagamitan.
Sinabi ni Cayetano na kanyang itutulang ang budgetary alignment na Ipinalutang ng ilang senador sa nakaraang debate na nakapokus sa agrikultura at public infrastructure.
Ayon kay Cayetano, hindi umabot sa hinihinging P50 bilyon ang badyet sa irigasyon matapos makapaglaan lamang ng P40.842 bilyon sa National Irrigation Administration (NIA). Binawasan din ang badyet sa small-scale irrigation mula sa P1.109 billion nitong 2022 tungo sa P991.11 million sa 2023 budget.
“Life blood ng ating mga magsasaka ang irrigation kaya’t mahalagang mapagbigyan natin sila,” aniya.
Iginiit pa ni Cayetano na kahit tumaas mula sa P7.485 bilyon nitong 2022 tungo sa P13.14 bilyon sa 2023 ang badyet sa farm-to-market road pero mas mababa pa rin ito kumpara sa ating kapitbahay sa Asya sa paglalaan ng pondo.
“Tayo sa Pilipinas nakakumpleto pa lang ng 2,712 kilometers ng farm-to-market roads samantalang ang Thailand ay may 47,916 kilometers at ang Vietnam ay may 175,000 kilometers. Is it any wonder that we have to import rice from these two countries? Their farmers get far more support from their governments,” aniya.
Inihayag din ni Cayetano na dapat gamitin ang infrastructure budget ara sa bagong road network, lansangan at tulay kabilang ang community centers at parks.”
Sa ginanap na deliberasyon, binatikos ni Cayetano ang infrastructure program sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bagong islogan na ‘Build Better More at mas malaking alokasyon sa maintenance para sa bagong proyekto.
“Kung ia-add natin ang budget for maintenance and rehabilitation, mahigit P200 billion ito, which is almost one third of the DPHW’s P737 billion budget. This is not a ‘Build Better More’ budget but a ‘Maintenance Pa More’ budget,” aniya.
Hinikayat niya ang Bicam panel na magkaisa upang sinupin ang badyet at ihanay ito sa kailangang prayoridad “upang makapagbigay ng mas magandang presyo sa magsasaka at mas mahusay na benepisyons sa paghahanapbuhay ng ating manggagawa.”
“This is democracy at work. Masaya tayo sa Senate version ng budget, pero kailangan ding i-point out na may mga portions na kailangan ng improvement. We are not giving up on these and we will continue advocating for them in the bicam,” ani Cayetano.
“Rest assured that we will work equally hard — if not harder — during the Bicam to make sure the people get the budget they deserve,” dagdag niya. Ernie Reyes
January 27, 2023 @7:13 AM
Views: 7
MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa ang 55% o 13,856.64 ng 25,056.27 metric tons (MT) ng galunggong na inangkat mula noong Nobyembre 2022 bago ang pagpapatupad ng tatlong buwan na closed fishing season sa Palawan.
Sa pahayag ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) nitong Huwebes, Enero 26, ang importasyon ng frozen round scad, bigeye scad, mackerel, bonito, at moonfish para sa mga palengke ay naaayon sa certificate of necessity to import na pinirmahan ng DA noong Nobyembre 10, 2022 at iiral hanggang Enero 31, 2023.
Matatandaan na pinayagan ng BFAR ang pag-aangkat para matugunan ang suplay ng galunggong na inaasahang ninipis dahil sa limitadong suplay nito sa implementasyon ng closed fishing season sa Palawan.
Sa kabila ng nagpapatuloy na implementasyon ng closed season, nananatili ang presyo ng galunggong kung saan ang lokal na isda ay nasa P280 kada kilo habang anf imported ay nasa P220 kada kilo hanggang P240 kada kilo.
Sinimulan ang closed fishing season sa Hilagang-Silangan na bahagi ng Palawan noong 2015 sa ilalim ng joint DA at Department of Interior and Local Government Administrative (DILG) Order 1 na nagbibigay ng sapat na panahon sa mga isda na makapagparami.
Ipinatutupad ang closed fishing season mula Nobyembre 1, 2022 hanggang Enero 31, 2023.
Mula nang ipinatupad ito noong 2015, nakakatanggap ng positibong resulta ang DA-BFAR kaugnay sa produksyon ng galunggong.
Nitong 2021, naitala ng National Stock Assessment Program (NSAP) ang annual catch na 1,146 MT na mas mataas sa 453.89 MT annual catch noong 2015.
“Throughout the closed fishing season, DA-BFAR’s regional office in Palawan conducted continuous patrol operations in the conservation area,” ayon sa ahensya. RNT/JGC
January 27, 2023 @7:00 AM
Views: 16
MANILA, Philippines – Hinimok ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes, Enero 26 ang mga kabataan at susunod pang henerasyon na huwag kalimutan ang mga aral na iniwan ng Holocaust kung saan milyon-milyong European Jews ang pinatay ng Nazi Germany sa pagitan ng 1930s hanggang 1940s
Ang mensaheng ito ni Duterte ay kasabay ng paggunita sa International Holocaust Remembrance Day kasama si Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa Central Office ng Department of Education
Kasabay ng naturang program, anim na kandila ang sinindihan bilang pag-alala sa anim na milyong Hudyo na pinatay noong Holocaust.
We must not forget the names and faces of the victims, the families torn apart, and the communities destroyed. We must remember so that we may never forget the dangers of hate and intolerance,” mensahe ni Duterte.
“We are responsible for ensuring that the lessons of the Holocaust and the stories of its survivors are passed on to future generations. We must ensure that these stories are not lost so we can learn from them and prevent such atrocities from happening again,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat naman si Fluss kay Duterte sa pag-alala nito at pangako na ituturo ang mga aral ng Holocaust sa mga kabataan sa bansa.
“I thank you Vice President and Secretary of the Department of Education Sara Duterte-Carpio and your team for being our partner for leading and organizing this commemorative event and for making this day a formal day of commemorating the Holocaust in all DepEd schools and facilities,” aniya.
Pinuri din niya ang Open Door Policy ni dating Pangulong Manuel Quezon, na nag-alok ng asylum sa mga Hudyo.
“The Philippines is a shining light. President Quezon welcomed over 1,300 Jewish refugees into the Philippines in 1939,” ani Fluss. RNT/JGC
January 27, 2023 @6:45 AM
Views: 13
Manila, Philippines – Having a house is any celebrity’s dream para sa kanyang pamilya.
This early in her showbiz career, nagkaroon na ng katuparan ang pangarap ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo for her family.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na si Rabiya ang breadwinner sa kanilang pamilya.
In her post, makikitang nag-a la standupper ang TikTok Clock host habang ibinibida ang bahay na naipundar niya for her family.
Sa kanyang home province sa Iloilo ang location ng two-storey property in what looks like an exclusive subdivision.
Nasa harap si Rabiya ng mismong bahay sa tila lugar kung saan kokonti pa lang ang mga nakatayong bahay.
Hindi naiwasan ng beauty queen-turned-actress na maging emosyunal with her unrehearsed spiels.
Aniya, naalala raw niya noong umuupa lang sila ng kanyang pamilya sa probinsya.
“Palipat-lipat kami noon at walang permanent address,” she reminisced.
Medyo bare pa ang bahay as in wala pang gaanong gamit sa loob.
“But in the months to come, uunti-untiin kong pagandahin ang bahay na ito. I thank God because He has been so good to me,” dagdag niya.
May panawagan din siya sa mga tulad niyang breadwinner, “Mahirap din namang may mga taong umaasa sa atin, but use that drive to strive harder.”
Kinongratyuleyt naman si Rabiya ng co-host niyang si Pokwang for her achievement.
Maging ang predecessor niyang si Shamcey Supsup posted, “Congats. Stay grounded. Remember what I told you.”
Hindi na kami magtataka kung ang sumunod na ipupundar ni Rabiya ay bahay naman sa Maynila for her family to stay and come home to pag nagbakasyon sila rito.
Imagine, barely three years pa lang si Rabiya sa showbiz, may investment na?
Isn’t she worthy of emulation? Ronnie Carrasco III
January 27, 2023 @6:30 AM
Views: 21
MANILA, Philippines – Magpapaulan na naman sa ilang lugar sa Luzon at Visayas ang shear line at northeast monsoon o amihan.
Ito ay ayon sa ulat ng PAGASA nitong Biyernes, Enero 27
kung saan ang Eastern Visayas, Aklan, Capiz, Albay, Masbate, Sorsogon, Catanduanes, Palawan, at Romblon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa shear line.
Maulap na kalangitan rin na may mga pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Bicol Region, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, at Marinduque dahil naman sa northeast monsoon.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan at mahihinang pag-ulan dahil din sa amihan, habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay may maulap na kalangitan at isolated rainshowers o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms. RNT/JGC
January 26, 2023 @7:30 PM
Views: 65
MANILA, Philippines- Mas mababa ang bilang ng mga nairehistrong isinilang at namatay mula Enero hanggang Setyembre 2022 kumpara sa datos sa parehong period noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Samantala, dumami naman ang nairehistrong nagpakasal, batay sa statistics office data.
Mula Enero hanggang Setyembre 2022, umabot ang bilang ng registered births sa 783,199.
Mas mababa ito ng 20.6% kumpara sa total registered births na 986,369 sa parehong period noong 2021.
Naiulat sa Calabarzon ang pinakamataas na bilang ng registered births sa 118,919 o 15.2% ng total births sa bansa.
Naitala naman sa NCR ang 88,033 births o 24.7% pagbaba mula sa 116,940 births sa parehong period noong 2021. Naitala sa Quezon City ang pinakamataas na bilang ng registered births sa 16,785 o 19.1% ng total births sa rehiyon.
Naiulat naman sa Cavite ang pinakamataas na bilang ng registered births sa mga probinsya sa 31,516 o 4% ng total births sa bansa, na sinundan ng mga lalawigan ng Bulacan sa 26,498 o 3.4% at Laguna sa 24,466 o 3.1%.
Naiulat ng PSA ang kabuuang 418,027 deaths mula Enero hanggang Setyembre 2022.
Sinabi ng ahensya na mas mababa ito ng 38.6% kumpara sa total registered deaths na 680,597 sa parehong period noong 2021.
Nanguna ang Calabarzon sa mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng registered deaths mula Enero hanggang Setyembre 2022 sa 63,617 o 15.2% ng total deaths sa bansa.
Samantala, nakapagtala ang National Capital Region (NCR) ng 49,421 deaths na -41.6% decrease mula sa 84,559 deaths registered sa parehong period noong 2021.
Naitala sa Quezon City ang pinakamataas na bilang registered deaths sa NCR mula Enero hanggang Setyembre 2022 sa 9,775 o 19.8% ng total deaths sa rehiyon.
Sa mga lalawigan, nanguna ang Cavite bilang may pinakamataas na bilang ng registered deaths sa 15,974 o 3.8% ng total deaths sa bansa.
Sinundan ito ng Bulacan sa 14,933 deaths o 3.6% at Pangasinan sa 13,924 o 3.3%.
Samantala, base sa PSA, umabot ang registered marriages sa 286,555 mula Enero hanggang Setyembre 2022.
Sa parehong cut-off date sa pagproseso ng birth certificates, sinabi ng PSA na mas mataas ang preliminary count nito ng 13.1% kumpara sa total registered marriages na 253,426 sa parehong period noong 2021.
Sa mga rehiyon, naitala sa Calabarzon ang pinakamataas na bilang ng registered marriages sa 42,122 o 14.7% ng total marriages sa bansa.
Naiulat naman sa NCR ang 33,811 marriages na 25% increase mula sa 27,059 marriages na nairehistro sa parehong period noong 2021.
Sa cities and municipalities, nakapagtala ang Quezon City ng pinakamataas na registered marriages sa 11,236 o 33.2% ong total marriages sa rehiyon.
Sa mga probinsya naman, nakapagtala sa Batangas, Cavite at Pangasinan ng pinakamaraming ikinasal mula Enero hanggang Setyembre 2022 sa 10,212 o 3.6%, 9,940 o 3.5%, at 9,191 o 3.2%.
Sinabi ng PSA na ang mga bilang na ito ay “preliminary and may differ from the final count.” RNT/SA