Cayetano sa confidential funds ng DepEd: “Kailangan ba ng ganun kalaki?”

Cayetano sa confidential funds ng DepEd: “Kailangan ba ng ganun kalaki?”

October 3, 2022 @ 5:03 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinagpapaliwanag ni Senator Pia Cayetano ang Department of Education kung paano gagamitin ng ahensya ang P150-milyon confidential funds sa ilalim ng kanilang proposed 2023 budget.

Ayon sa mambabatas, ngayon lamang umano niya naranasan na humingi ng ganoon kalaking halagang pondo ang DepEd.

“I want to find out paano ba nagagamit ‘yung funds na ‘yan and will they be the one to administer it and how will they use it?,” ani Cayetano sa panayam ng ANC nitong Lunes, Oktubre 3.

“Kailangan ba ng ganung kalaki? Kasi kung maliit lang ‘yun, I think wala na tayong pinag-usapan, ‘di ba?,” dagdag pa niya.

Matatandaan na kamakailan ay sinabi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na ang confidential fund ay gagamitin sa mga programa ng ahensya kontra sexual grooming, insurgency recruitment at active shooter copycats laban sa mga kabataan.

Dagdag pa rito ang pagkakasangkot ng ilang bata sa illlegal na droga.

Sa kabila nito, nais pa rin ng Senador na malinawan sa tungkulin ng DepEd sa pagprotekta sa mga bata.

“I’m just trying to get a better grasp on whether they handle these actual protective steps such that they have to handle this kind of funding and does it have to be that much?” RNT/JGC