Cayetano sa Transport chief: ‘Check your facts’

Cayetano sa Transport chief: ‘Check your facts’

December 8, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dismayado si Senador Alan Peter Cayetano sa tugon ni Transportation Secretary Jaime Bautista sanhi ng kawalan ng “apple-to-apple” comparative analysis ng Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng rail project na pawang kapos sa mahahalagang bagay.

Sa ginanap na pagdinig ng Commission on Appointment, sinabi ni CA Minority Leader Cayetano na dapat suriin ni Bautista ang “facts” nito bago humarap sa kanyang kumpirmasyon partikular ang pagkakaantala sa implementasyon ng big ticket projects tulad ng multi-billion Metro Manila Subway Project.

“The secretary needs to check his facts” regarding the status of these multi-billion projects,” giit ni Cayetano.

Natuklasan sa pagdinig walang tumpak at kagyat na pagtugon sa Bautista sa katanungan ni Cayetano kung nalalaman nhito kung kailangan ang aktuwal na taon na matatapos ang naturang subway.

Pero, isinagot ni Bautista na magiging operational ang subway sa 2028 o 2029 kaya’t naitanong ni Cayetano kung intensiyon nitong palugitan ng isang taon ang pagkukumpleto sa proyekto.

“Why from 2027 naging 2028? Ano y’un, do you plan on burning your time?” tanong ng independyenteng mambabatas.

Ipinaliwanag ni Bautista na nadagdagan ang palugit sa panahon ng pagtatapos ng subway na nagkakahalagang P488.47 bilyong kapag nakumpleto – dahil naanta ang pagbubuo at operasyon ng tunnel boring machines na gagamitin sa proyekto kabilang ang pagbili ng kagamitan sanhi ng pandemya.

Sa kanyang balikwas, sinabi ni Cayetano na “Please check your facts, dahil tinanong ko si (former) Transport Secretary [Arthur] Tugade before he left office and he said they were right on schedule.”

“Again, check your facts. Because it was right before June 30 na sabi by 2027 complete na ang subway,” dagdag niya na tumutukoy sa huling araw ng Duterte administration at pagsisimula ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi pa ni Bautista na isa pang pangunahing dahilan kung bakit naantala ang implementasyon ng subway at iba pang major railway projects sa bansa dahil umatras ang China sa pangako nitong pondo na gagamitin sa proyekto.

Isa sa naturang proyekto, ayon sa kalihim, ang Philippine National Railways South Long-haul Rail Project, na magbabalik sa pamosong Bicol Express train service sa pagitan ng Metro Manila at Bicol Region.

Nakatengga din sa pipeline ang Subic-Clark Railway Project dahil kapos sa pondo.

Kaya’t biglang ipinahayag ni Cayetano ang kanyang pagkadismaya sa kawanan ng abilidad ni Bautista na tumugon ng “apples-to-apples” comparison sa rail construction costs ng proyekto na tinutulungan ng Japan at pinopondohan ng China.

Itinanong ni Cayetano na kung may ideya ang DOTr kung alin ang cost-effective kaysa China sa per-kilometer basis na tinugunan ni Bautista na nagkakahalagang P4 bilyon kada kilometro ang Japanes-assisted rail projects na pawang elevated track sa pangkaraniwan habang P2 bilyon naman kada kilometro sa Chinese projects na pawang ground-level track.

Sa pagtugon ng pagkaibang riles napilitan si Cayetano na sabihin na : “he “cannot see why you cannot tell us now the apples-to-apples comparison for this,” aniya.

“Everybody has their own interests. How do we get better if wala tayong independent assessment? Kasi there’s all types of trains and different qualities,” giit pa ni Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na mahalagang may sariling assessment ng bansa kaya’t hindi nitong kayang tanggapin ang paliwanag ni Bautista sa kawalan ng “apples-to-apples” na tugon.

Sa puntong ito, ipinagpaliban ang kumpirmasyon ni Bautista sa “kawalan ng panahon.” Ernie Reyes