CBCP-ECCCE, nakiisa sa prayer intention ng Santo Papa na educational emergency

CBCP-ECCCE, nakiisa sa prayer intention ng Santo Papa na educational emergency

January 11, 2023 @ 7:17 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) sa prayer intention ng kaniyang Kabanalang Francisco para sa unang buwan ng taon.

Ayon kay La Union Bishop Daniel Presto, vice chairman ng CBCP-ECCCE, mahalagang maisulong ang pagkakapatiran katulad ng panalangin ng Santo Papa upang mamayani ang kapayapaan sa paaralan at higit na matuto ang mga mag-aaral.

Tinukoy din ni Bishop Presto na mahalagang mabigyan ng sapat na atensyon ang usapin ng kapayapaan sa mga bansang nakakaranas ng karahasan hindi lamang sa seguridad kungdi pati ang diskriminasyon sa mga paaralan.

Ayon sa Obispo, kahanay din ng Monthly Prayer Intention ang pagpapatuloy sa adbokasiya ng Global Compact on Education na isulong sa pagtuturo sa mga estudyante ng kahalagahan sa pagkakaiisa at pakikipagkapwa-tao.

Batay sa datos ng United Nations International Children’s Emergency Fund, aabot sa 150 milyong kabataang mag-aaral taon-taon ang nakakaranas ng karahasan o pagmamalabis sa kamay ng kapwa nila estudyate. Jocelyn Tabangcura-Domenden