CBCP-ECMI, nanawagan ng tulong para sa mga Pinoy sa Sri Lanka

CBCP-ECMI, nanawagan ng tulong para sa mga Pinoy sa Sri Lanka

July 22, 2022 @ 1:56 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng isang opisyal ng Simbahan na nararapat na suportahan ng pamahalaan ang mg Pilipinong nanatili sa Sri Lanka upang ligtas na nakauwi sa bansa.

Panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commisison on Migrants and Itinerant people (CBCP-ECMI) Vice-chairman Balanga Bishop Ruperto Santos, para sa proteksyon ng mga Pilipino suportado nito ang repatriations efforts ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“For their safety and their protection we support the repatriation of our Filipino nationals in Sri Lanka. In this difficult and uncertain time we appeal to our Filipino to heed the call of government officials for cooperation and to collaborate with them. It is for their own good and well-being,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Paalala naman ng CBCP-ECMI sa mga Pilipinong nananatili sa Sri Lanka ang patuloy na pag-iingat kasabay ng pagsunod sa mga tagubilin ng Philippine Embassy.

“Let us also pray for peace in Sri Lanka, that fostering strength and unity they will surpass that crisis and attain the way to progress and prosperity,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos.

Ayon sa DFA, nasa 700-Overseas Filipino Workers at migranteng Pilipino ang nananatili sa Sri Lanka.

Mula sa bilang, higit sa 100-Pilipino ang nagpahayag ng pagnanais na makaalis na sa bansang nakakaranas ng matinding krisis sa ekonomiya kung saan umiiral na ang ‘State of Emergency’. Jocelyn Tabangcura-Domenden