CBCP hindi kontra sa administrasyon

CBCP hindi kontra sa administrasyon

July 9, 2018 @ 4:06 PM 4 years ago


REMATE FILE PHOTO | CRISMON HERAMIS

Manila, Philippines – Paalala lamang at hindi kontra sa administrasyon  ang pahayag ng Simbahan bilang tugon sa pangamba ng publiko sa sunod sunod na kaso ng karahasan.

Sa pastoral letter na inilabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sinabi ni CBCP Vice President, Caloocan Bishop Pablo David na ang mga naturang pahayag mula sa kanilang sektor ay hindi kontra sa pamahalaan ang pahayag ng simbahan kaugnay sa mga usapin sa bansa.

“The church respects political authority as long as they do not contradict the basic spiritual and moral principles we hold dear; especially that of democratically-elected government officials,” nakasaad sa liham.

Ayon pa sa CBCP, kinikilala rin ng simbahan ang hiwalay na papel ng pamahalaan sa pagtingin sa mga isyu sa bansa.

Hinikayat naman ng simbahan ang publiko na  makiisa sa tatlong araw na ayuno at dasal ng mga obispo mula July 17 hanggang 19.

Humarap din sa pagpupulong ngayong hapon sina CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles; at Commission on Social Communications chairman, Pasig Bishop Mylo Vergara. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)