CBCP kay PBBM: ‘Deserving’ PDLs, palayain

CBCP kay PBBM: ‘Deserving’ PDLs, palayain

December 20, 2022 @ 2:34 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakiisa ang Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa panawagan ni Pope Francis kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga pinuno ng estado na magbigay ng clemency sa mga deserving na persons deprived of liberty (PDLs).

“We urge our local civil authorities, especially our Executive Branch headed by our President (Ferdinand R. Marcos Jr.), to heed His Holiness’ call by granting executive clemency and to set free those deserving persons deprived of liberty. This will enable them (PDLs) to start a new life as free and potentially productive citizens of the country,” sabi ni ECPPC chair at Legazpi Bishop Joel Baylon.

Umapela rin ang Obispo sa Korte sa bansa na agad desisyunan ang mga kaso upang agad mapalaya ang mga walang kasalanan.

Aniya sa pamamagitan ng pagbibigay ng clemency sa mga kuwalipikadong PDLs ay makakapagbigay sa kanila ng panibagong buhay.

Kamakailan ay naglabas ng sulat ang Santo Papa para sa mga pinuno ng estado para manawagan na pakawalan ang mga bilanggo na karaparat-dapat na magbenipisyo sa nasabing provision.

Humingi rin ang Papa ng “gesture of clemency” para sa mga bilanggo sa diwa ng Pasko.

“He believes that prisoners should not be deprived of hope and instead be given the chance to redeem themselves,” dagdag ni Baylon.

Noong Lunes, sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na may kabuuang 328 PDLs ang na-release mula sa mga pasilidad nito noong Disyembre, kaya umabot sa halos 6,000 ang kabuuang bilang ng mga PDL na napalaya ngayong taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden