CBCP nagbabala sa National ID system

CBCP nagbabala sa National ID system

August 8, 2018 @ 1:38 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na maging vigilante sa posibilidad na umabuso sa kapangyarihan ang pamahalaan, sa ilalim ng National Identification system.

Matatandaang noong Lunes ay ganap nang naging batas ang National ID system matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi naman nagbigay ng anumang posisyon hinggil sa bagong batas si CBCP-Commission on the Laity chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, ngunit sinabi niyang kailangang maging vigilante ang lahat para sa proteksiyon ng lipunan at privacy rights ng mga mamamayan.

“Let us hope for the best and this law will not be abused,” pahayag pa ni Pabillo, sa CBCP website.

Samantala, umaasa naman si Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Commission on Migrants and Itinerant People, na makatutulong ang batas sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

“It is hoped that national ID would be especially beneficial to our OFWs as it would assist them properly for their needs at different agencies against bribery and red tapes,” aniya pa. (Macs Borja)