CCC, French embassy sanib-pwersa sa pagpapalakas ng climate action

CCC, French embassy sanib-pwersa sa pagpapalakas ng climate action

March 17, 2023 @ 3:36 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nangako ang Climate Change Commission (CCC) at Embassy of France to the Philippines and Micronesia, na palalakasin pa ng mga ito ang ugnayan at development cooperation para sa climate action.

Sa pagbisita ni French Ambassador to the Philippines, H.E. Michele Boccoz sa opisina ni CCC Vice Chair at Executive Director (VCED) Robert E.A. Borje, nagpalitan sila ng suhestyon kung paano ipatutupad ng mas mabuti ang local climate action.

“We express our gratitude to the government of France and the French Development Agency (AFD) for supporting the Philippines in implementing policy initiatives and sustainable solutions to address major climate and environmental challenges in the country,” ani Borje sa isang news release nitong Huwebes, Marso 16.

Kabilang sa mga prayoridad ng CCC at French Embassy ay ang pagpapabuti ng risk-informed Local Climate Change Action Plans (LCCAPs) ng mga local government units.

Sa pamamagitan ng nagpapatuloy na technical support ng AFD, bibigyan ang mga LGU ng capacity development at enhancement activities, maging ang mga kagamitan na makatutulong sa pagbuo nila ng mas maayos na LCCAP.

“AFD will continuously provide necessary assistance to the CCC in policy formulation and updating, as well as in enhancing local capacities on LCCAP development towards improved climate resilience,” sinabi naman ni Boccoz.

Hanggang nitong Marso 2, 1,399 o 81.57% ng 1,715 LGUs ang nagpasa na ng kani-kanilang LCCAP sa CCC.

Sa kasalukuyan, ang LCCAP Quality Assurance Mechanism ay binubuo batay sa panuntunan na inilatag ng CCC at DILG. RNT/JGC