CCP 3 taong ikakandado sa renovation, retrofitting

CCP 3 taong ikakandado sa renovation, retrofitting

September 2, 2022 @ 2:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Tatlong taong isasarado ang Cultural Center of the Philippines (CCP) para sa renovation at retrofitting ng 53-taong building, ayon kay CCP chairperson Margie Moran-Floirendo nitong Huwebes.

Sa Senate committee on culture and sports hearing, sinabi ng dating beauty queen na isasara ang CCP mula Enero 1, 2023 at inaasahang matatapos ang renovation at retrofitting worksbago sumapit ang Marso 15, 2025.

“I’d like to announce that the CCP is closing its door on January 2023, for structurally retrofitting,” pahayag ni Floirendo sa panel na pinamumunuan ni Senator Loren Legarda.

Aniya, natuklasan nila ang isang leak sa bubong ng teatro nang magbalik-operasyon matapos ang dalawang taong pagsasarsa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ani CCP President Jaime Laya, pansamantala silang lilipat sa Nobyembre gamit ang corporate funds sa pagsisimula ng konstruksyon sa Enero.

Gagamitin umano ang inisyal na pondong P400 milyon, mula sa congressional funds na naipon sa loob ng dalawang taong pagsasara, sa pag-upa ng mga opisina at teatro sa mga susunod na taon.

Aniya, mula 2018, hindi inaaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget proposal nito. RNT/SA