CCTV operator arestado sa rape

CCTV operator arestado sa rape

December 2, 2022 @ 3:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang 41-anyos na CCTV operator na may kasong rape sexual assault nang ihain ang kanyang arrest warrant sa Taguig City.

Nakilala ang suspek na si Wilson David residente ng J. Posadas Street Punta Sta. Ana, Manila.

Natunton ang suspek sa Neo Three Company, 30th Street, Bonifacio Global City sa Taguig dakong alas-9 kagabi, Disyembre 1.

Nauna rito, nagsagawa ng survellaince sa kinaroroonan ng suspek sa pangunguna ni Police Major Geuel Capuz ng Chief Intellegence Section at ni Police Leutenant Renato Ramento ng Warrant Section ay napostehan ang lugar kung saan nasakote ang suspek.

Ang suspek ay kabilang sa Top 4 most wanted person sa station level. Jocelyn Tabangcura-Domenden