CDC: 77.9% ng COVID cases sa US, BA.5 variant

CDC: 77.9% ng COVID cases sa US, BA.5 variant

July 20, 2022 @ 9:14 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa 77.9% ng kasalukuyang kaso ng COVID-19 sa United States ang BA.5 subvariant ng Omicron, ayon sa datos hangganing nitongHulyo 16, anang US Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Ang BA.5, na napatunayang nakaiiwas sa immune protection na ibinibigay alinman sa pamamagitan ng pagbabakuna o naunang impeksyon, ay naging dahilan ng pagbugso ng mga bagong impeksyon sa buong mundo.

Samantala, ang Omicron subvariant BA.4 ay tinatayang bumubuo ng 12.8% ng mga umiikot na variant sa United States, dagdag pa sa datos.

Dahil dito, hirit ng US CDC sa vaccine makers na gumawa ng bakuna na tatarget lang sa BA.5.

Hinihimok din ng mga opisyal ng kalusugan ng US ang mga taong may edad na 50 o higit pa na magpa-booster shot. RNT