CDC bureau, vaccine institute hirit ng DOH sa sunod na administrasyon

CDC bureau, vaccine institute hirit ng DOH sa sunod na administrasyon

May 10, 2022 @ 5:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health nitong Martes na ibi-brief nito ang sunod na administrasyon sa mga istratehiya sa implementasyon ng Universal Healthcare Law at isusulong ang pagtatatag ng vaccine institute at Centers for Disease Control.

Ibabahagi rin ng health agency ang mga plano nito “for moving forward in this pandemic for all of us to live with the virus,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Iha-highlight natin with emphasis ang patuloy na pagbabakuna at saka yung patuloy na pagpapatupad ng minimum health standards,” pahayag niya.

Bahagi ng paglabas sa pandemya at pagpapatupad ng UHC Law ang pagtatatag ng CDC bureau at vaccine institute, base kay Vergeire.

“Nandyan po yung Centers for Disease Control na bill…kung saan dyan mare-restructure ang ating healthcare system, ang ating DOH na magkaroon tayo ng isang institute na re-relyan pagdating sa pandemya, infectious diseases sa ating bansa at pagre-research,” paglalahad ni Vergeire.

“Meron po tayong National Health Security Act, it links with the CDC for us to be more resilient during these times na nagkakaroon tayo ng krisis sa ating bansa,” aniya pa.

Nangunguna si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa presidential race na may 30,969,399 boto mula sa 97.7 porsyento ng election returns hanggang nitong alas-2:47 mng hapon, Martesm batay sa partial and unofficial results. RNT/SA