CDO pinasok na ng Omicron BA.5

CDO pinasok na ng Omicron BA.5

June 22, 2022 @ 9:08 AM 1 week ago


CAGAYAN De Oro City – Kinumpirma ng health authorities dito ang unang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) Omicron subvariant BA.5 sa lungsod.

Sa isang online press briefing, sinabi ni Dr. Teodoro Yu Jr., ang City Health Office (CHO) medical officer, na ang infected na indibidwal ay isang 38-anyos na lalaking seafarer mula sa Barangay Bugo, na bumiyahe sa Egypt at Manila.

Agad na sinimulan ng mga tauhan ng CHO ang contract tracing matapos nilang matanggap ang ulat noong Hunyo 17, ani Yu.

Sinabi ni Dr. Ellenieta Gamolo, ang Department of Health-Northern Mindanao (DOH-10) assistant director, na ito rin ang unang Omicron subvariant BA.5 na nakita sa rehiyon.

Ayon sa profile ng kaso ng CHO, ang seafarer ay na-swab sa Supercare Medical Services sa Makati City noong Marso 19 kung saan siya ay kumpirmadong positibo sa COVID-19.

Ang sample ay ipinasa sa Genome testing center at ang resulta para sa Omicron subvariant BA.5 ay inilabas noong Hunyo 13.

Ang infected na indibidwal, kasama ang kanyang dalawang first-generation close contact, ay muling nasuri dito noong Hunyo 14 sa pamamagitan ng RT-PCR (Reverse Transcriptase-Polymerase Chain Reaction) test, at lahat sila ay nakitang negatibo sa virus.

“We will not be complacent. Our team is going for the second and third-generation close contacts. We noticed that there was already a long timeline, but we should implement extreme precautions,” ani Yu.

Sinabi niya na ang subvariant ng Omicron ay lubos na naililipat ngunit may mas kaunting kalubhaan kumpara sa iba pang mga variant ng Covid-19.

Pinaalalahanan din ni Yu ang publiko ng kahalagahan ng pagbabakuna bilang isa sa proteksyon ng mga tao laban sa COVID-19. RNT