CDO solon pinasususpinde sa DoTR, LTO ang emission testing requirement

CDO solon pinasususpinde sa DoTR, LTO ang emission testing requirement

July 15, 2020 @ 1:21 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinasususpinde ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Department of Transportation (DoTr) at Land Transportation Office (LTO) hanggang katapusan ng taon ang emission testing requirement sa mga magpaparehistro ng kanilang sasakyan.

Kwento ni Rodriguez, kailangang pumili ng napakaaga ng mga vehicle registration applicants “have to line up very early in the morning to get a number, which takes four to five hours, then they wait until their numbers are called to be given an appointment for their emission test, which is at least two weeks away.”

“It’s a lot of inconvenience on the part of motor vehicle owners, to say the least. These taxpayers deserve better service,” saad pa nito.

Dahil aniya sa mahabang pila, maaaring lumalabag na ito sa physical o social distancing protocols.

“To address this problem and to make registration easier for vehicle owners, the DoTr and the LTO should suspend the emission testing requirement until Dec. 31, 2020.”

Ang naturang suspensyon ay makapagbibigay oras din sa ahensya na tingnan ang mga reklamo at alegasyon laban sa ilang privately-owned testing centers sa buong bansa. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...