Ceasefire sa NPA depende sa nakatataas-Azurin

Ceasefire sa NPA depende sa nakatataas-Azurin

December 6, 2022 @ 9:56 AM 2 months ago


CAMP CRAME, Quezon City – Sinabi ni General Rodolfo Azurin Jr. na nakadepende sa kumpas ng mas nakatataas na awtoridad kung ikakasa ang ceasefire sa mga rebeldeng komunista sa holiday season.

“We leave it up to the decision of higher authority kung ano yung mapagdesisyunan nila,” ani Azurin sa isang pahayag.

“Nag-a-abide naman ang armed services, kapag sinabi na ceasefire, we abide by the instruction of the higher authority. We expect na kung may ceasefire man, sana mag abide din yung kabilang panig,” dagdag pa ni General Azurin.

Aniya, palaging nagrerekomenda ang PNP ng ceasefire sa New People’s Army.

“Sa amin naman we always recommend naman na magkaroon ng ceasefire agreement between the enemy of the state, yung CPP-NPA. But usually kasi ang nagba-violate diyan hindi naman kami eh di ba,” dagdag pa niya. RNT