CebPac may mas maraming flight ngayong Agosto

CebPac may mas maraming flight ngayong Agosto

July 31, 2020 @ 11:07 AM 4 days ago

Share

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Cebu Pacific ang kanilang muling pagbubukas ng international flights sa pagitan ng Maynila at key Asian destinations sa buwan ng Agosto.

Sa pahayag, sinabi ng Cebu Pacific na lilipad sila dalawang beses kada linggo mula Tokyo (Narita) hanggang Maynila tuwing Miyerkoles at Sabado simula Agosto 1.

Gayundin kada Huwebes at Sabado ang paglipad sa Maynila at Singapore simula Agosto 6.

Tuwing Huwebes naman ang flight mula Seoul (Incheon) patungong Maynila.

Nakatakda naman ng Miyerkoles at Biyernes ang flight ng Taipei at Maynila simula sa Agosto 7.

“We are taking a conservative and agile approach to rebuilding our international network. While demand remains soft, there is latent demand for travel, particularly from stranded individuals and those who are eager to come home to visit their families,” pahayag ni Candice Iyog, vice president ng Marketing and Customer Experience ng Cebu Pacific.

“We have taken extra precautions and assure travelers that preventive measures are in place so we can start rebuilding the trust and confidence in air travel,” dagdag pa nito.

Samantala, pinaigting naman ng paliparan ang kanilang hakbang bilang pagtugon sa global safety standards.

“All CEB aircraft undergo extensive daily disinfection before, during and after flights. Jet aircraft are equipped with High Efficiency Particular Arrestor (HEPA) filters similar to those in hospital operating rooms. These trap all contaminants in the air, including the Novel Coronavirus, with 99.99% efficiency.” RNT/FGDC

Share

Comments (4)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...