CebPac nag-sorry kay Robredo sa post ng piloto

CebPac nag-sorry kay Robredo sa post ng piloto

May 17, 2022 @ 11:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Humingi ng paumanhin ang Cebu Pacific at inilagay ang isa sa mga piloto nito sa ilalim ng disciplinary review para sa “speculative and careless” social media post na nag-aakusa kay Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo na sanhi ng flight diversions, na inamin ng carrier na wala umanong basehan.

Ayon kay Cebu Pacific Air Vice President for Flight Operations Captain Sam Avila, malaya ang professional aviators na magpahayag ng opinyon, subalit kaakibat nito ay inaasahan ang “discernment” sa mga aksyon nila.

“Since becoming aware of the social media post by one of our pilots in reference to a flight of Vice President Leni Robredo, I confirm that the pilot has made it clear to us that he had no basis for his claim and was purely speculative and careless on his part,” pahayag ni Avila sa social media.

“Cebu Pacific has very strict social media policies covering all of its employees and such a post should not have been published. This is recognized by the said pilot himself. He is currently under disciplinary review in accordance with our Company rules and standards,” saad pa sa post.

Ipinalabas ang pahayag na ito matapos isang piloto ng kompanya ang naglahad na hiniling umano ni Robredo na bigyan ng prayoridad ang kanyang flight, at isang pasahero sa kanyang flight ang naapektuhan umano ng “diversion” ay ang Australian Ambassador to the Philippines.

Nabura na ang naturang post, nauna nang sabihin ng Cebu Pacific na patuloy nitong sinusunod ang Data Privacy Act of 2012.

“…I take command responsibility and apologize unreservedly to the Vice President and take general public for the actions of our pilot,” giit pa ni Avila. RNT/SA