Manila, Philippines – Pasok ang dalawang kilalang tourist destination ng Pilipinas sa mga kilalang “world’s best islands” ng New York-based magazine na Travel + Leisure.
Sa ranking, bumaba sa pang-anim ang Palawan na may 90.04 na score matapos itong mag-number 1 noong 2016 at 2013.
Pero pasok naman sa top 10 at pumang-walo pa ang “Queen City of the South” sa score na 89.10.
“This year’s winners include surprises as well as familiar favorites. The Edenic Philippine outpost of Palawan scored the top spot on this list in 2013 and in 2017; it also makes the grade this year, although it cedes the top spot to a surprise entry. It remains in fine company, voted in along with its sister island Cebu,” ayon kay Travel + Leisure writer Rebecca Ascher-Walsh.
Sa unang pagkakataon naman ay dinomina ng Indonesia ang Top 3 sa score na 95.28 na sinundan naman ng Bali at pumangatlo ang Lombok.
Matatandaang pumangalawa at pumangatlo ang Boracay noong taong 2016 at 2017 pero hindi ito nakasama ngayon sa naturang survey.
Narito ang iba pang islang pasok sa Top 10
- Java, Indonesia (95.28)
- Bali, Indonesia (94.06)
- Lombok, Indonesia (93.88)
- Maldives (90.48)
- Waiheke, New Zealand (90.21)
- Palawan, Philippines (90.04)
- Mauritius (90.00)
- Cebu, Philippines (89.10)
- Paros, Greece (88.76)
- Tasmania, Australia (88.70)
(Remate News Team)