Cebu bukas na sa domestic tourists

Cebu bukas na sa domestic tourists

February 23, 2021 @ 9:36 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippine – Nag-isyu na si Cebu Governor Gwen Garcia ng executive order kung saan pinapayagan ang mga lokal na turista na bumisita sa probinsya basta masunod ang mga itinakdang kondisyon.

Batay sa EO No. 12 Series of 2021, required sa mga bisita na pupunta ang medical certificate at proof ng pre-booking sa isang resort o hotel na accredited ng Cebu Provincial Task Force.

“The local government unit of destination may issue reasonable regulations which shall be submitted to and approved by the governor. Thereafter, said regulations shall be submitted to the Department of the Interior and Local Government,” saad ng EO.

Iniulat naman na hindi na kailangan pa ng rapid test o COVID test sa pagpasok sa Cebu. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •