Cebu City kumambyo sa optional face mask policy; trial period muna

Cebu City kumambyo sa optional face mask policy; trial period muna

September 5, 2022 @ 11:23 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Cebu City government nitong Lunes na ang kanilang optional face mask policy ay ikakasa sa trial period hanggang Disyembre 2022, at awtomatikong aalisin sakaling magkaroon ng pagdami ng COVID-19 infections sa lungsod.

Base sa Executive Order (EO) No. 6, sinabi ng tagapagsalita ni Cebu City Mayor Michael Rama na si Karla Henry-Ammann na ang trial period ng EO 5  na nagkakalos sa mandatory face mask policy sa lungsod, ay itinakda mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 31 , 2022.

Iginiit din ni Ammann na awtomatikong aalisin ang EO at ibabalik ang mandatory face mask policy kung magkakaroon ng paglaki ng mga kaso ng COVID-19 sa Cebu City, ayon sa pag-verify ng gobyerno. RNT