Cebu City, nagdeklara na rin ng state of calamity dahil sa El Niño

Cebu City, nagdeklara na rin ng state of calamity dahil sa El Niño

April 12, 2019 @ 6:22 PM 3 years ago


Cebu City – Nagdeklara na ng state of calamity ang Cebu City dahil sa pinsalang nararansan bunsod ng El Niño.

Magagamit na ng lungsod ang P27.5 milyong calamity budget para solusyunan ang epekto ng El Niño sa mga magsasaka matapos maaprubahan ng City Council ang resolusyon na nagdedeklara ng state of calamity sa Cebu City.

Ayon kay Councilor Dave Tumulak na nag-sponsor sa resolution, ang calamity budget ay gagamitin din para tugunan ang problema sa water shortage na nakaapekto sa mga barangay sa lugar.

“We declare a state of calamity in the City of Cebu in order to allow us access to calamity funds to be utilized to address the ill effects of the dry spell not just in the upland barangays but in the urban areas as well.”

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pondo, sinabi ni Tumulak na regular nang makapagdedeliber ng tubig ang Department of Public Services (DPS) ng lungsod sa mga apektadong lugar.

Malaking porsyento ng P27.5-million calamity budget ay gagamitin sa pagbili ng water pumps, plastic containers, plastic drums, water hoses, vegetable seeds, at mga kagamitan ng mga magsasaka.

Sa ngayon ay mayroong 14,000 magsasaka ang lungsod at 300 dito ang lubhang naapektuhan ng El Niño. Remate News Team