Cebu City, nagdeklara ng state of calamity

Cebu City, nagdeklara ng state of calamity

April 12, 2019 @ 12:15 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Nagdeklara na ang mga awtoridad ng Cebu City ng state of calamity sa lugar dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Ang deklarasyon ng state of calamity ay magbibigay ng pagkakataon sa mga awtoridad ng Cebu City na gamitin ang calamity fund ng siyudad upang tulungan ang mga barangay na apektado ng dry spell.

Inatasan na ng City Council ang City Disaster Risk Reduction Office (CDRRMO) na magsumite ng breakdown ng appropriation upang malaman kung ano ang gagawing alokasyon sa P27 million calamity fund.

Tinatayang P15 milyon na ang pinsala na dulot ng El Niño at nakaapekto sa produktong agrikultural ng 28 barangay ng Cebu City./Remate News Team