Cebu City nasa state of calamity kay ‘Agaton’

Cebu City nasa state of calamity kay ‘Agaton’

April 11, 2022 @ 8:52 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Idineklara ni Mayor Mike Rama nitong Linggo ang state of calamity sa Cebu City due dahil sa walang tigil na malakas na ulang dulot ng Bagyong Agaton.

Sa Facebook post, sinabi ni Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council Chairman Gerardo Carillo na nagsasagawa na ng paglilikas sa landslide at flash flood areas.

Inabisuhan din ni Carillo ang mga residente na tumawag sa Cebu City Emergency cellphone numbers (63+) 0932-537-7770, (63+) 0947-178-0000, or (63+) 0917-839-9896 para sa anumang emergency. RNT/SA