Cebu-Cotabato flight ilulunsad sa Disyembre

Cebu-Cotabato flight ilulunsad sa Disyembre

November 7, 2022 @ 1:26 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Ilulunsad ng flag carrier na Philippine Airlines (PAL) ang biyahe mula Cebu patungong Cotabato City at pabalik sa buwan ng Disyembre.

Ayon sa ulat, magkakaroon ng direct flights sa pagitan ng dalawang lugar dalawang beses sa isang linggo na layong paramihin pa ang byahe mula sa naturang lungsod sa papalapit na holiday season.

Tuwing Lunes at Huwebes ang byahe nito kung saan aalis sa Mactan-Cebu International Airport tuwing 5:20 a.m. ang eroplano samantala aalis naman ng Awang Airport sa Cotabato ng alas-11 ng umaga simula Disyembre 1.

Ayon sa PAL, ang 86-seater na De Havilland Dash 8 Series 400 Next Generation aircraft ang kanilang gagamitin para sa naturang flight.

“Philippine Airlines is also gearing up for the December peak holiday season by offering more flights out of Cebu to serve travelers living in the Central Visayas and Southern Mindanao regions,” pahayag ni PAL vice president for sales Bud Britanico.

“We want to do our part to connect families, encourage healthy business growth and spur holiday travel between these vital regions of the country,” dagdag pa niya.

Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang ay inanunsyo ng PAL ang pagbabalik ng tatlong oras na flight mula Cebu patungong Bangkok, Thailand at pabalik simula Disyembre 9. RNT/JGC