Cebu dancing inmates, balik-indak!

Cebu dancing inmates, balik-indak!

August 13, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


CEBU CITY — Balik-indak ang nasa 186 inmates Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) matapos ang 12-taon natigil sa pagpapakitang gilas ng kanilang galing sa pagsasayaw sa buong mundo.

Nagpamalas ng kanilang sayaw nitong Biyernes sa open grounds ng CPDRC sa Barangay Kalunasan, Cebu City ang mga inmates at isa si Cebu Governor Gwen Garcia ang nakapanood.

Ayon kay Garcia muli niyang binuhay ang programa para sa mga dancing inmates at hiningi niya na rin ang tulong ni Architect Edward Hayco, ng multi-tiled Cebu Dancesport Team, para sanayin ang mga preso.

Sa pagbabalik ng mga inmates nagpakitang gilas ng 5-song medley makalipas ang 3 linggong pagsasanay kabilang sa kanilang mga sinayaw ay ang ‘Mission Impossible’ movie series, danced ballroom classics ‘Jump (for my love)’ mula sa Pointer.

“We want to project music to the world, and that music is mission impossible,” ani Hayco.

“It is an impossible mission to transform the inmates into people that believe in themselves. That is the biggest challenge. Transforming people that they should believe in themselves,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Garcia, inaasahan nilang muling makahikayat ng turista sa loob ng provincial jail at magtatanghal ang mga ito sa partikular ng araw ng Linggo.

Mapapanood ng libre ang pagtatanghal ng mga inmates at maglalagay lamang ng kahon para sa mga nais magbigay ng donasyon.

Ang CPDRC ay may kapasidad na 1,500 at sa ngayon ay mayroon lamang higit sa 800 inmates.

Matatandaan na nahinto ang pagtatanggal ng mga dancing inmates noong 2010 dahil sa imbestigasyon ng Capitol hinggil sa mga natanggap na donasyon at kontribusyon ng grupo. Mary Anne Sapico