Cebu Doctors University grad nanguna sa respiratory therapy licensure exam

Cebu Doctors University grad nanguna sa respiratory therapy licensure exam

February 9, 2022 @ 4:16 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nanguna ang nagtapos sa Cebu Doctors University (CDU) sa February Respiratory Therapy Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Kinilala itong si John Fredrick Dicierdo Tabanag ng CDU na may iskor na 89.25.

Samantala, wala namang unibersidad ang kwalipiakdo sa top-performing school.

Inanunsyo rin ng PRC na nakapasa ang 194 mula sa nag-exam na 397 na ibinigay ng Board of Respiratory Therapy sa Maynila, Baguio, Cebu, Davao, Pampanga, at Zamboanga. RNT/FGDC