Cebu face mask policy ganap nang ordinansa

Cebu face mask policy ganap nang ordinansa

June 14, 2022 @ 6:15 PM 2 weeks ago


Cebu- Aprubado na ng Cebu Provincial Board ang ordinansa sa executive order(EO) ni Governor Gwen Garcia na nagpapaluwag sa mandato ng pagsususot ng face mask sa probinsya.

Isinagawa ang isang special session – na ipinatawag mismo ni Garcia- ng board nitong Martes ukol sa pag-apruba sa ordinansa.

Pinagtibay naman ito ng gobernador bilang “urgent.”

Sa ilalim ng bagong ordinansa,rekisito lamang ang pagsusuot ng face sa mga saradong lugar air-conditioned spaces, o sa matataong lugar. Kinakailangan ding magsuot nito kapag may sintomas ng COVID-19.

Opsiyonal naman ang pagsusuot ng face mask sa labas at sa well-ventilated areas.

Sa pagpasa sa ordinansa, sinabi ni Provincial Board Member John Ismael Borgonia na wala nang basehan ang mga pulis upang arestuhin ang mga indibidwal na hindi nakasuot ng mask.

Epektibo ang bagong ordinansa 15 araw matapos ilathala sa pahayagan. RNT/SA