Cebu gov’t wapakels sa DILG ultimatum

Cebu gov’t wapakels sa DILG ultimatum

June 17, 2022 @ 6:15 PM 1 week ago


CEBU CITY, Philippines- Kahit ang palugit na ibinigay ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay hindi makaapekto sa desisyon ng probinsya ng Cebu ukol sa opsiyonal na pagsusuot ng face masks sa open areas.

Inanunsyo ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia onitong Biyernes na paninindigan nila ang ordinansang nag-aadopt sa Executive Order (EO) No. 16 ukol sa pagsusuot ng face masks. 

“We will stand by with our ordinance, adopting my EO on rationalizing the wearing of face masks in well-ventilated areas,” giit ni Garcia.

Matatandaang naging hati ang opinyon sa ipinalabas na EO ng lokal na pamahalaan ng Cebu isang linggo na ang nakalilipas.

Iginiit ni Secretary Eduardo Año na bibigyan nila ng hanggang pagtatapos ng linggo ang provincial government upang iwasto ang ordinansa.

Sakaling hindi sumunod si Garcia, maaari umano itong kasuhan.

Subalit patuloy na naninindigan si Garcia at sinabi kay Año na “just let it go” dahil ilang araw na lamang umano ay bababa na ang huli binag DILG secretary.

“It’s just very trivial amidst all the other serious problems we’re currently facing,” ani Garcia. RNT/SA